Go-go, slow-go, no-go. Sikat na konsepto sa retirement. Pero para sa Pilipino, baliktad ito.
Ang “retirement spending smile” ay galing sa datos ng mga retiradong Amerikano: bumababa ang gastos habang tumatanda, at tumataas lang nang kaunti sa dulo. Pero sa Pilipinas, mga 43% ng gastos sa kalusugan ay galing sa sariling bulsa, ang presyo ng gamutan ay tumataas nang double-digit, at mga 11 taon lang ang average na malulusog na taon pagkatapos ng sisenta.
Kaya ang hugis ng retirement natin ay hindi ngiti. Ngiwi.
Sa episode na ito, kukuwentahin natin kung magkano ang bawat yugto, kung bakit mahigit kalahati ng retirement fund mo ay para sa no-go years, at ang Baliktad na Pila: ang tamang pagkakasunod ng pagpopondo para hindi maubos ang pera mo sa pinakamasamang panahon.
ANG MATUTUTUNAN MO:
• Ang pinagmulan ng go-go / slow-go / no-go, at bakit iba ito sa atin
• Tatlong datos kung bakit “ngiwi” ang retirement curve ng Pilipino
• Ang kuwenta: ₱11.6M na pondo, 53% para sa no-go years (illustration)
• Paano mauubos ang ₱10M sa edad na 79, at ang “go-go para sa iba” trap
• Ang 5 hakbang ng Baliktad na Pila: Angkla muna, saka Full Ahead
Talk to me: https://www.facebook.com/chriscervantesCBF
Disclaimer: This video is for educational purposes only and is not personalized financial, investment, tax, legal, or medical advice. All figures are illustrations based on stated assumptions; actual results will differ. Past dividend rates and pension increases do not guarantee future results. Verify current rules with SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, and the SEC, and consult licensed professionals about your situation.
#PlanadongBuhay #RetirementPH #GoGoSlowGoNoGo #OFWFinance #SeafarerLife








