Umutang ka ng ₱5,000 — pero ₱4,300 lang ang pumasok sa e-wallet mo. Tapos ₱5,750 ang singil after 14 days. Magkano ba talaga ang inutang mo?
Noong 2024, umabot sa 127 million ang downloads ng lending apps sa Pilipinas — mas marami pa sa populasyon natin. At sa bracket na ₱5,000–₱10,000, 42% ng mga umuutang ang hindi nakakabayad sa tamang oras. Kaya sa episode na ito, sinasagot ni Capt. Chris Cervantes ang tanong na iniiwasan ng marami: ang loan apps ba ang bagong 5-6 — at paano ka makakalabas sa tapal-tapal na ikot?
Matututunan mo:
Paano kwentahin ang TUNAY na presyo ng loan gamit ang net proceeds, hindi ang halagang nasa screen
Ang legal na interest at fee caps sa ilalim ng BSP Circular 1133 para sa maliliit na short-term loans — at bakit ceiling 'yan, hindi target
Ang mga karapatan mo laban sa abusive collection sa ilalim ng RA 11765, SEC rules, at NPC circulars
Bakit hindi ka puwedeng ipakulong sa utang — at ang mga limitasyon ng proteksyong 'yan
Ang limang galaw para putulin ang ikot: STOP, CHECK, MAP, NEGOTIATE, REBUILD
Message me on Facebook for your consultaion: https://www.facebook.com/chriscervantesCBF
I-verify kung recorded ang isang online lending platform: sec.gov.ph
Mag-file ng complaint: SEC (lending/financing companies), BSP Online Buddy (banks at BSP-supervised institutions), privacy.gov.ph (data abuse)
Disclaimer: Ang video na ito ay para sa general financial education lamang at hindi personalized legal, credit, o financial advice. Ang mga halimbawa ay illustrations; ang mga rules at remedies ay depende sa lender, uri ng loan, at sitwasyon. Kumonsulta sa qualified professional para sa iyong sariling kaso.
#PlanadongBuhay #LoanApps #Utang #FinancialLiteracyPH #OFW








